Ganun na yon.

alam mo kung gano kasakit yung mahalin sya pero hindi mo masabi ng dahil alam mong hindi nya kailanman kayang suklian ang pagmamahal mo..na masaya ka lang sa konting oras na magkakasama kayo. na bibigyan mo ng kahulugan ang mga bagay na wala lang naman sa kanya… tapos bigla na lang syang aalis, at maiiwan ka sa mundong ginawa mo para sana sa inyong dalawa. gago sya. tanga ka.

February 25, 2012. Yan yung araw na halos hindi ko malaman ang gagawin nung mabalitaan kong aalis ka na. Kasi kahit hindi mo sinusuklian ang kung anumang pagtingin ko sa ‘yo, nasanay ako na nandiyan ka lang… alam mo yung kahit hindi ka talaga akin, kasama kita at masaya at kalmado ako.

Pero wala nga atang nagtatagal, kasi yung sandaling panahon na nakikihati ako sa mundo, tuluyan mo nang tinuldukan. Pakiramdam ko noon, ang tanga tanga tanga ko. Bakit wala akong ginawa? Bakit hinayaan ko na mapunta ka sa iba? Bakit ako natakot?

Siguro kasi alam kong masasaktan din ako? O siguro nga, hindi ko ganun kamahal ang sarili ko para bigyan siya ng pagkakataong lumigaya. Mali, di ba?

kung tutuusin, maganda na rin na umalis ka. Yung iniwan mo na puwang sa mundo ko ay siyang naging dahilan ko upang maging matapang at gawin ang mga bagay na akala ko ay hindi ko kaya. Hinayaan ko ang sarili kong salubungin ang mundong dati ay nakapako lamang sa iyo; hinayaan ko ang sarili kong lumipad patungo sa mga lugar na akala ko ay hindi ko kayang puntahan mag-isa.

Natutunan ko kung paano pahalagahan, mahalin at alagaan ang sarili ko. Bago ang iba, ako muna.

Ilang beses na rin na muling nagkrus ang ating landas. Hindi ako ipokrito para sabihin na wala ka nang epekto sa akin. Nandun pa rin yung bigat sa pakiramdam, yung “sana ako na lang” na parati kong maiisip sa tuwing makikita kong nakatingin ka sa kanya.. Anong nagbago?

Yung mundong ginawa ko para sa ating dalawa? Binuksan ko na para sa lahat… Dahil alam ko, kung hindi mo ako kayang mahalin; kaya kong punan yun ng pagmamahal mula sa sarili ko at mula sa mga taong nagmamahal sa akin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s