How do you say goodbye?

How do you say goodbye to a friend who has been there at times when the world does not understand? How do you say goodbye to a sister whose laughter makes it hard for you not to smile? How do you say goodbye to a mother who taught you everything you need to know about life? How do you say goodbye to a daughter?
A wife?

The answer is : You don’t. As cliché as it may sound, she will always be here. She may not be physically present in any reunions or gatherings, but we will always remember her.

Tonet. Tonee. Mary Ann. Halos 20 taon tayong naging magkaibigan. Dalawampung taon na bagama’t hindi natin laging kasama ang isa’t isa, alam natin na isang tawag lang, isang message lang – anjan tayo lagi para magdamayan. Hayaan mo akong ibahagi sa lahat ng naririto ang dalawampung taon nating mga alaala, mga alaala na ilalahad ko sa pamamagitan ng pitong numero.
311 2412.

Noong panahong hindi pa uso ang iphone, nupng panahong tanging libangan lang natin ay magkwentuhan kahit maghapon na tayong magkakasama – tumatawag pa rin ako sa 3112412. Naalala ko, sasagot si tito dante, nuong mga unang beses “sino ga ito?” Ang pagalit nyang wika- marahil siguro akala nya isa ako sa mga manliligaw mo. Pero kalaunan masasanay din sha na ah, si Abel lang yan barkada ni Tonet. Ano nga ba ang mayroon sa 3112412?

Three – Tatlong salita na akma para sa iyo. Maganda. Hindi naman maitatanggi – MISS SJA. Crush ng bayan. Sa ating magkakabarkada, ikaw talaga ang modelo, fashionista, long legs. Hanggang ngayong nakahiga ka dito sa aming harapan, baon mo pa rin ang gandang hindi natin matatawaran. MABAIT. Unang beses kitanf nakita naging magkatabi tayo sa klase. Noon pa man, malabo na mata ko, hirap na akong makita ang nasa dulo ng pisara. Pero hindi pa makapal ang mukha ko noon.

Hindi pa tayo magkakilala pero sinisilip ko ang mga nakasulat sa notebook mo. Siguro napansin mo, unti unti mong pinapakita kahit hindi ako magtanong. Ganyan ka kabait – tutulong ka kahit hindi sabihin. Matapang. Kung para sa kaibigan, pamilya ipaglalaban mo. Ayaw mong maagrabyado sila, kami. Ayaw mong may masasaktan . Kaya hanggang sa huli, kahit ikaw lang ang nahihirapan, hindi mo hinayaang mag alala ang mga tao sa paligid mo. Humahanga ako sa tapang mo, tonet.

One – Iisang tao lang ang palaging Late sa klase. Kahit napakalalit lang ng bahay nyo, hindi ko alam kung bakit – pero palagi ka talagang late. Pero isa sa mga bonuses nyang malapit ka lang ay lagi tayong sa inyo ppunta pag me fiesta, me overnight, me kailangabg lutuin, me kailangang gamit – ikaw ang nag iisang laging navovolunteer. Kaya naman at home na athome kami palagi sa inyo.

One – sabi mo, ang Kulot, Salot. Hindi naman. Palagi mong pinoproblema yang buhok mo – hindi mo gusto na kulot ka. Pero yan ang nagbigay sayo ng identity – minsan nga kulot pa ang tawag sa yo ng mga kaibigan mo. Kung hindi ka kulot, hindi ka si Tonet. Ikaw lang ang nag iisang Kulot ng Jhequot. Tuwing magkkwento ka, or kahit naglalakad ka na nagmamadali lang kasi late ka na naman, di maaalis na susuklayin o hahawakan mo yang buhok mo. Affected na affected ka talaga friend.

Two – Ang huling dalawang pagkakataon na ang barkada natin ay nag reunion. Bago yon, medyo hirap tayo talaga magtama ang mga schedules, pero salamat at pinilit natin. Salamat at hinayaan mo pa kaming makasama ka, na kahit siguro me nararamdaman ka noon, hindi mo pinakita. Ang mahalaga halos nabuo tayo – maliban sa mga kabarkada natin na nasa ibang bansa. Pero sa puso natin, buo tayo.

Four – Apat na alaala na nakakatawang isipin, pero me aral kang matututunan

1. Sino bang makakalimot sa pagiging crush ng bayan ni Antonette? Nariyan ang mga manliligaw na lagi mong iniiwasan. Natutunan ko sayo kung paano maging mapagpakumbaba na kahit maraming nagkakagusto, hindi ikinakalaki ng ulo mo.

2. Naalala mo noong nag exam tayo ke Sir Barza? May isang test paper noon na walang pangalan. Shempre bilang halatang sulat mo yun, wala ka na choice kundi aminin na sa yo yun. E kaso, bilang walang pangalan, me minus kada letra. Kasama middle initial. Dahil dyan, natuto akong huwag na huwag kalilimutang pangalanan ang test papers.

3. Isang araw na hindi ko makakalimutan ay yung pinakanta ka sa harapan ng klase. Ngayon alam naman nating lahat na magaling kang kumanta at maganda ang boses mo, pero nuong buong ningning mong inawit ang Without You ni Samantha Cole at nagpiyok piyok ka na sa pahuli, itinawid mo pa rin. Natutunan kong huwag sumuko. Kahit anong mangyari, laban lang.

4. At huli, isa sa mga outing natin noon na medyo naparami tayo ng ininom. Sa hindi namin malamang dahilan gusto mong kainin ang buhangin dahil para sa iyo, asukal yon. Hindi ko makakalimutan ang isa sa pinakamahalagang leksyong natutunan ko sa aking buhay – huwag na huwag kang maglalasig sa buhanginan.

One – Isang araw after graduation, naisipan nating magbunutan para malaman kung sinong unang mag aasawa. Swerte ka, ikaw nakabunot ng first: at nagkataon na ikaw nga rin ang unang nagkaroon ng baby. Ang napakaganda at manang mana sayo na inaanak kong si Racine. Tonet, huwag kang mag alala, kami ang magiging second moms ni Racine. Sa abot ng aming makakaya, tutulungan namin si Tita at si Biboy na gampanan ang tungkulin mo bilang nanay.

Paglaki ni Racine, at hindi pa pumapalya ang mga memorya namin (so mukhang ako lang to kasi ying mga girls, na epidural na), pwede mo kaming taningin tungkol sa iyong mommy. Ikkwento namin sayo

Two – two words to describe you now. Talgang pinanindign mo. Ikaw na ngayon si “The Late” Mary Antonette.

But seriously, do we need to say goodbye to you? When all of your memories are here in our hearts? When I see and feel you everywhere? When I look inside this church, I would remember the times we’ve spent here. Right at this very altar where we had a barkada photo during our graduation?

Or this school that served as our home for 4 years, where we forged friendships And where we first had our hearts broken? All these places with so many memories, these were all the proof that your short stay in this world is still a life well lived. Tonet, wherever you are – know that We were always there for eAch other, and we will always be here for you and the ones you left behind. You will be missed our dear sweet angel, but will never be forgotten. We love you.

That was my original eulogy for my friend who passed away last week. I trimmed it down to a seven minute speech and I did my very best to hold back the tears. Oh life. How cruel can you become?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s